Saturday, September 17, 2011

GINTO SA AMING PUSO...


GINTO SA AMING PUSO

Sasapit ang ika-19 ng Setyembre,
Araw ng pag-iisang dibdib noon na di
kami nakasaksi..
Ngunit batid naming, hindi ninyo masabi
kung gaano kasaya, itong araw ng pagtatali...

Lumipas ang maraming taon,
Umulan ng biyaya, siyempre naman
kami yaon...na lumagpak sa lupa
buong tapang na kami'y sinalo
minahal at inaruga, hanggang sa lumaki
nasa tabi at hindi nawala...

Kay bilis ng panahon, ang isa naging singkwenta
Ginto na sana..kung nandyan lang si Ama
Ay anung ligaya, ngunit yan ang tadhana
dapat ay tanggapin at wag na magdusa..


Nay, di mo man kapiling
ang Tatay sa araw na ito..
Kami ay narito, upang sayo ay makisalo
Ating ipagdiwang ang Limampung nakaraan
Wagas na pagmamahalan
Hanggang sa huli, di mo siya iniwan..

Maligayang Bati sa inyong ika-limampung Anibersaryo.
Kayo ang Ginto dito sa aming mga puso...

Wednesday, July 13, 2011

BATANG MATANDA O MATANDANG BATA..KA BA?



Sa isang umpukan ng mga bata, aking narinig
tila may pinag-uusapan,
mga mukha’y naka-ismid,
sa di kalayuan..Duon sila nakatitig,
naruon pala ang bidang kagalit.
.
Napangiti ako sa kanilang sinabi
“Huwag natin siya bati, at wag na isali,
Ang yabang niya porke’t maraming kendi..
Hindi ko rin siya bibigyan, pag ako nakabili..”
Natawa na ako, dahil napaka simple
Dinamay pa ang iba, hindi na lang sinarili
Ang bidang kagalit, di alam ang nangyayari
Dahil sa puso niya, wala siyang inaapi..

Kahit siguro sa matanda, ganito ang siste
Konting bagay, lalong pinalalaki
Umaabot pa minsan ang kaso sa Korte..
Damay na ang iba pati ninuno, kasali..

Nakakahiya sa mata ng bata
Dapat maging idolo, baligtad na ata
Maigi pa nga atang huwag ng tumanda
Kung ang isip naman, nanatiling bata
Mabuti pa ang bata kung isip ay matanda
Nakakabilib at nakakatuwa!!!

Saturday, June 18, 2011

KAMUSMOSAN...


AKING KABATAAN..















"Sa simula pa lang ng aking KAMUSMUSAN..
sila ang kasa-kasama kung saan-saan...
..Mga paboritong laro na kinagigiliwan..topla, piko pati taguan
..Heto kami ngayon..kahit buhok na ay may uban..parang mga batang paslit sa biruan at halakhakan.
Hindi malilimutan mga kaibigang tunay
..sa iyong pagluha lagi siyang karamay
..madalang mo man makita
..kung may okasyon lang
..Pag nagkita naman parang mabuang-buang
...SALAMAT SA TEKNOLOHIYANG nauso sa sanlibutan...kahit pa text text at pa chat-chat na lang..kuntento na sa kinalalagyan..Lalo na ngayon at may FACEBOOK pang nalalaman..wala nang tayuan kahit sa webcam makita ka lamang.."

HAKBANG....

UNANG HAKBANG…..

Musmos ka pa noon …ang mga buto’y mahina pa

Gabay ang hanap mo upang makalakad na…

Aming nasubaybayan, hakbang ng iyong mga paa

Alam kong mahirap pero nagsusumikap ka..

Sa unang hakbang ng iyong mga paa

Ngiti sa iyong mga labi ang aming nakikita

Kahit sa yong dibdib ay meron pang kaba..

Di alam kung san patungo tila nangangapa pa.

Malaki ka na ngayon, Gusto mo na iaayon,

Hakbang ng mga paa sa takbo ng panahon,

Makisabay sa agos at pati na rin sa alon

Wag ka lang makakalimot sa nasimulan mo noon..

Kung nais mo pa rin ang aming gabay

Heto kami.. Anak . ikaw lang ang hinihintay..

Nais namin na ikaw ay makasabay.

Sa iyong paglakad at meron pang akbay

Mahal namin Kayo, at walang makakapantay

BINABATI kita ng walang humpay

Dasal namin ang asenso sa buhay ..

Habang may hininga sa inyo ay gagabay….

Tuesday, June 14, 2011

PARTNER KO...


KABIYAK Nitong PUSO KO....


"Sa hindi nakakaalam..isa lang..aming pinanggalingan
Manuel A. Roxas High School..ito ang pangalan
Kung saan namulat at umani ng karunungan..Isa ka na duon....sa dagdag kaalaman...


Grumadweyt sa highschool..yun pala ang simulaTakbo ng panahon..apektado tayo kapwa..
Itong si kupido..talagang wala magawa
Ang ating mga puso..walang awang pinana..


Ano pa bang magagawa...kundi..Tanggapin ang tadhana
Sabi ng iba..ito ba ay sinadya..
Palagay ko ay hindi...
Sadya itong itinakda...


Date dito..Date doon
Gawi lang naman ito..pag maganda ang panahon!!!




Hindi pa uso noon ang celfone..kaya sa telepono..usap-usap maghapon!!!..


Minsan may tampuhan din..
Spice of Life..o isa lang patikim
Normal naman ito..at wag pansinin..
Pagkatapos ng lahat..di ba naman..masarap ang lambing?...hehehe



Uso noon ang Disco..Di ba't pareho tayo ng gusto..Kahit ano..e-indak mo...basta't
tayo ang partner..ayoko ng kung sino....



Idol ko noon.Richard Gomez at Maricel Soriano
Kahit di mo gusto..sinasamahan mo ko..Nakikipagsiksikan..
kahit masikip, taas pa rin noo
Diyan ko napatunayan...Mahal mo akong..TOTOO!!




Ako ay masuwerte...totoo..hindi ito isang arteNaging bahagi ka ng buhay ko..
Na para bang isang puzzle..di mabubuo...
pag wala ang isang letter...kaya..Pakaingatan ito para laging together!!!










Ito na..sila ang bunga
Si Denden at Deanna
Kawangis ko.. sa seksi at ganda...Hahahaha











Ito naman si Japo
laging in-Love sa tuwina
Ewan ko ba..anu bang meron ka
Bakit na-inLove sayo..ang isang KOREANA...
Hoy bata ka..mag-aral ka muna!!











Yan naman ako..
May masasabi ka ba?
Ako wala na...o sige.."CUT" na.....










Lumulubog na ang araw
bukas naman siya ay susungaw
Ganyan lang ang pagsasama, minsan ay namamanglaw
Hawak kamay nating harapin..hanggang sa ito'y pumanaw!!











Di nga ba't may sabi..
Kung anung tugtog, yun ang indayog..
makisabay sa agos, wag lang padalosdalos..
Upang ang lahat ay mailagay sa ayos,
Happy Anniversary, sa iyo aking Iniirog...

DIREKTOR'S "CUT"..









DIREKTOR'S "CUT"

“Cut”.....ano ba ibig sabihin
Yan ang gusto ko itanong kay Direk na nasa harap natin
Maraming kahulugan ito na ..gusto ko alamin
Mga Ibat-ibang klaseng “cut” sa buhay natin.

“Cut” ang wika ng Direktor sa isang Eksena,
May dapat baguhin sa ikagaganda ng pelikula
“Cut” sabi ng kusinero na nasa kusina
Ingat lang baka daliri ay mawala
Cut din ang maririnig sa opisina at eskuela
May cost cutting at nag-cutting classes na
Pero Ang cut na alam ko sa buhok ko makikita..
Sobra atang ikli, di na ako makilala..
Pero sa puso at damdamin..ako pa rin si naman Minda

“Take two”..”Ano ka ba, hindi ka dapat tumatawa
“Pack-up na”..bumagyo..hindi sumipot ang ARTISTA
Wag na magpaliwanag pa..panahon..at oras..naaaksaya
Paulit-ulit man ito na parang sirang plaka
Ito ay Bulaklak ng bibig at sa tenga mo ay musika..

Ito palang si Direk may natatagong galing
Sa mga lutong pinoy maging international din
Sa diskarte at estilo hindi puedeng talunin
Kahit ang mga ito ay gusto mo gayahin..
Ang sigaw ng bayan “Direk, puede patikim?”


Sa kabila ng lahat..alam kong Masaya ka..
Dahil ito’y pangarap mo noong ikaw ay bata pa..
Nabigyang katuparan mag-alaga ng artista
Aba , bongga ka at si Sharon Cuneta
At marami pang sumunod sana naman.. ako na..(hahaha)
Biro lang Direk..pinatatawa lang kita,..bihira lang makita pag ikaw
Ay seryoso na.. ang mundong
Ginagalawan ay punong puno ng eksena..pagod …kunsumisyun
Ayoko ng dumagdag pa..kuntento na akong kasama ka sa tuwina..

Sa totoo lang Direk..Hindi kita kilala
Kahit sa campus noon, mata nati’y hindi man lang nagtama
Matunog ang pangalan mo..sa isip ko lang naitala
Dumating ang Reunion..tayo pala ay magkikita..
Masaya ako at hindi ko ikinakaila
Naging bahagi ako sa listahan mong kabi-kabila.
Huwag sanang maputol kung saan nagsimula
Pagkakaibigang tunay saksi ang langit at lupa..

Mahal ka ng lahat higit lalo ng iyong pamilya
Mapagmahal sa kapatid, lalo na sa iyong Ina
Ulirang Anak, tumayo bilang Ama..
Saan ka nakakita..siya lang yan, at wala ng iba..
Buhay ay inalay ..sarili ata ay nakalimutan na
Aba Direk…obvious na..…hindi tayo bumabata..

Sa PAnibagong taon ng iyong buhay
Dasal nami’y,,, lalo kang humusay
Sa Industriyang napili tumingkad ang mga kulay
Umangat ang pangalan,,sa entabladong matibay
Matagpuan mo sana ang ligayang walang kapantay
Sa Diyos ay tumalima at siya ang gagabay
Salamat kaibigan, mabuhay kang tunay..
MALIGAYANG KAARAWAN DIREK RONALD C. CARBALLO..AT LUMAWIG PA ANG IYONG BUHAY!!!


By: Momynda

ALAY KAY SIR BUYA...


PANITIKAN AT SI SIR BUYA ...(Bow..hehehe)

Sino si Sir Buya? Ano ba ang panitikan?
Ang una ay nilalang na tao..ang "panitikan" di ko ata alam
Pero Ngayon alam ko na ,..dahil nakilala ko na siya
Ya n Si Sir Buya..ang guro at ehemplo ..ng dekada sitenta..
Mula grumadweyt at 32 years na pala..di mo aakalain nasa paligid lang siya..
Laking gulat nang makita..tila bumabata..
Ano ba ang sikreto pa share naman..sige na!!

Sa aking mga narinig mula sa iyong estudyante
ako ay humanga sa style mong ibang klase..
nanghinayang ako bakit di ako nasali..
Di sana ako ngayon..ay sikat na artistang BABAE..

Isang huwaran na guro at maituturing na kaibigan
Ang iyong mga naituro hinding-hindi malilimutan
Ang pananaw sa buhay..enjoy-enjoy lang..
Ang linya na iyong binitawan...sa isip ko nakatatak
magpakailan pa man..

Salamat Sir Buya at nakilala kita
Panitikan ng buhay ngayon ay alam ko na..
Maging Dula, Sanaysay o isa lang pabula..
Isa itong maikling kwento na tayo lang ang gagawa...

By Momynda Alcantara