UNANG HAKBANG…..
Musmos ka pa noon …ang mga buto’y mahina pa
Gabay ang hanap mo upang makalakad na…
Aming nasubaybayan, hakbang ng iyong mga paa
Alam kong mahirap pero nagsusumikap ka..
Sa unang hakbang ng iyong mga paa
Ngiti sa iyong mga labi ang aming nakikita
Kahit sa yong dibdib ay meron pang kaba..
Di alam kung san patungo tila nangangapa pa.
Malaki ka na ngayon, Gusto mo na iaayon,
Hakbang ng mga paa sa takbo ng panahon,
Makisabay sa agos at pati na rin sa alon
Wag ka lang makakalimot sa nasimulan mo noon..
Kung nais mo pa rin ang aming gabay
Heto kami.. Anak . ikaw lang ang hinihintay..
Nais namin na ikaw ay makasabay.
Sa iyong paglakad at meron pang akbay
Mahal namin Kayo, at walang makakapantay
BINABATI kita ng walang humpay
Dasal namin ang asenso sa buhay ..
Habang may hininga sa inyo ay gagabay….
No comments:
Post a Comment