Wednesday, July 13, 2011

BATANG MATANDA O MATANDANG BATA..KA BA?



Sa isang umpukan ng mga bata, aking narinig
tila may pinag-uusapan,
mga mukha’y naka-ismid,
sa di kalayuan..Duon sila nakatitig,
naruon pala ang bidang kagalit.
.
Napangiti ako sa kanilang sinabi
“Huwag natin siya bati, at wag na isali,
Ang yabang niya porke’t maraming kendi..
Hindi ko rin siya bibigyan, pag ako nakabili..”
Natawa na ako, dahil napaka simple
Dinamay pa ang iba, hindi na lang sinarili
Ang bidang kagalit, di alam ang nangyayari
Dahil sa puso niya, wala siyang inaapi..

Kahit siguro sa matanda, ganito ang siste
Konting bagay, lalong pinalalaki
Umaabot pa minsan ang kaso sa Korte..
Damay na ang iba pati ninuno, kasali..

Nakakahiya sa mata ng bata
Dapat maging idolo, baligtad na ata
Maigi pa nga atang huwag ng tumanda
Kung ang isip naman, nanatiling bata
Mabuti pa ang bata kung isip ay matanda
Nakakabilib at nakakatuwa!!!

No comments:

Post a Comment