Saturday, September 17, 2011

GINTO SA AMING PUSO...


GINTO SA AMING PUSO

Sasapit ang ika-19 ng Setyembre,
Araw ng pag-iisang dibdib noon na di
kami nakasaksi..
Ngunit batid naming, hindi ninyo masabi
kung gaano kasaya, itong araw ng pagtatali...

Lumipas ang maraming taon,
Umulan ng biyaya, siyempre naman
kami yaon...na lumagpak sa lupa
buong tapang na kami'y sinalo
minahal at inaruga, hanggang sa lumaki
nasa tabi at hindi nawala...

Kay bilis ng panahon, ang isa naging singkwenta
Ginto na sana..kung nandyan lang si Ama
Ay anung ligaya, ngunit yan ang tadhana
dapat ay tanggapin at wag na magdusa..


Nay, di mo man kapiling
ang Tatay sa araw na ito..
Kami ay narito, upang sayo ay makisalo
Ating ipagdiwang ang Limampung nakaraan
Wagas na pagmamahalan
Hanggang sa huli, di mo siya iniwan..

Maligayang Bati sa inyong ika-limampung Anibersaryo.
Kayo ang Ginto dito sa aming mga puso...

No comments:

Post a Comment