Thursday, July 2, 2009

UNSUNG HERO SI TATAY DEMETRIO A. DIOSO





On May 18, 2009 We will be celebrating Tatay's 4th year death anniversary..Hanggang ngayon nandito pa rin siya sa aming mga puso (siyempre naman)..naging sariwa sa aming isipan ang kanyang mga ala-ala sa tuwing binubuklat ang mga lumang litrato sa kanyang album,,hanggang sa makita namin ang pinakalumang larawan na ito na halos mapunit na sa kalumaan..sa katunayan nakita ko na ang mga larawan na ito pero binalewala ko lang marahil dahil sa musmos ko pang kaisipan. And now..i can tell the world ang Tatay ko pala in his own way ay naging isang HERO at isang Roxasians. at nalaman ko rin na Batch 56 siya. at official photographer ng MARHS "The Wheel". Hindi ko na lang kinuha mga sample photos mo kasi sa tagal mapupunit na ang papel..To you Tatay, wherever you are now...WE ARE PROUD OF YOU.."

Monday, May 11, 2009

PARA SA IYO..NAY




PARA SA IYO…NAY

Paano ba uumpisahan, tulang ito para kay Nanay..
Sa tuwing magsusulat, papel ay niluluray
Sa isang baguhan tulad kong di sanay
Susubukan lahat alang-alang sayo Inay


Anim kaming magkakapatid, Nay di biro yan..
Ako bilang panganay batid ang iyong pinagdaanan
Sa murang isip ko, aking naintindihan
Mga sakripisyo na iyong pasan-pasan..

Nay , kami’y nandirito ngayon sa harapan mo
Masdan mo Nay …meron bang nagbago?
Ako na lang ang sasagot para sa iyo..
Inay..wala ..kami pa rin ito..
Sa puso, damdamin at isipan nandito ka sa aming puso.

Hindi malilimutan mga ginawa mo..pag-aaruga, pang-unawa
At walang sawang sakripisyo
upang mapalaki kami ng ganito..

Ngayon kami ay may kanya-kanya ng pamilya
Nay ..ikaw ang naging idolo
Mga pangaral at kabutihan mo
Ang siyang naituro sa iyong mga apo..
Manalig at manalangin sa Diyos laging isapuso
Ito ang magsisilbing gabay, saan man kami patungo.

Maraming Salamat, Nay..Salamat..ngayon lang ito nasambit
Hindi man nasabi kahit sa’yong panaginip
Iyong tatandaan, kami ay nandito lang
Gagabay at aakay sayo magpakailan pa man.


NAGMAMAHAL ANG IYONG MGA ANAK
MINDA, DAVID, JOSIE, MONET,NINGNING AT MONLITE
MGA APO
JANNA, JAPO, DENDEN, DEBBIE, ANDREW, DOTTIE, LAURA JEFF, ESCIE AND TEBAN

Monday, February 16, 2009

OUR PET'S VIDEO



(note: On the first part is a clip from amazing hug..really amazing video...True story of a woman saving a sick lion and donating to a zoo. Everytime the woman visits the Lion gives her a special hug.
Pets have a place in my heart...i love them!!
Boo (Beau) is a half breed showtype pitbull
5 mos old
glossy gray coat and gray eyes

Blossom is a mongrel breed but looks more of a japanese spitz..mana lang siguro
7 year old
brown furry hair

Wednesday, January 7, 2009

DECEMBER DIARY



HOLIDAY COMES..HOLIDAY GOES!!! Ang bilis ng panahon, hindi ko pa nga pinagsasawaan pakinggan ang mga Christmas Song eh!!! pati yung mga christmas lights ko hindi ata na-enjoy ang kutitap, hehehe...well, this is it..at least nag-enjoy naman lahat sa okasyong ito...

DECEMBER 8-15 - nagsimulang magbukas ang mga envelope para sa mga bonuses, paydays
awwww ang laki ng deduction dahil sa mga loans. huhuhu!! but still i can
manage.

DECEMBER 15-20 - hectic sched for me. Peak days nato kelangan na ang hidden talents ng
mga moms like me.

DECEMBER 21-23 - First things first, ika nga. Gift wrapping and menu planning ang beauty
ko.

DECEMBER 24 - Sandali lang...hindi ko pa na-greet mga amigas ko via internet, hehehe
So, maaga pa naman...after breakfast...check out emails and
start the ball rolling.

DECEMBER 25 - MERRY CHRISTMAS!! after breakfast, we fix ourselves para mamasko..
ang mga bata. My family went to Nanay in San Pedro, Laguna para
naman sa aming reunion..

DECEMBER 26- Back to our Nest, medyo pahinga muna

DECEMBER 27 - Much awaited event.. PEARL ANNIVERSARY AND CHRISTMAS PARTY of Manuel A. Roxas High School Batch78. First Time lang ito, kaya hindi pinalampas ang okasyon. Siyempre kasama ko dito ang family ko.

DECEMBER 28 - Pahinga ulit, whew..!!

DECEMBER 29 - Balik San Pedro kami for another celebration and 73rd bday celebration na rin ng tatay (kahit nung kapiling pa namin siya, sama-sama talaga kaming siblings sa araw na ito. MISS YOU TATAY..hindi kasi kami kumpleto nung Christmas dahil sa Lipa, Batangas manggagaling yung isang kapatid ko with his family. Tricycle lang ang gamit niya from Lipa to San Pedro, nakakabilib di ba? Mas tipid daw kasi kesa naman mag-commute sila. Proud ako sayo bro, ika nga pag gusto may paraan..pag ayaw maraming dahilan.

DECEMBER 30 -
31 Naku, eto na yung climax..Gising ng maaga para go ang mommy sa grocery, 7am store opening ng SM STA.ROSA kelangan mauna ako sa gwardiya, hahaha. Hindi naman ako naggrocery to the max, meron lang kasing item na wala sa mga nearby store na sa supermarket lang meron. And na-out of stock pa kaya kelangan pa balikan.. Ang "Tortillas" bow.
So yuN ang aming MEDIA NOCHE and easy to prepare..ang BURITOS. Pass muna tayo sa mga putaheng ulam, madalas naman matikman yan sa mga handaan e. At saka mahirap kung ikaw lahat ang magluluto, kelangan naman bettyful ang mga Moms pag ganitong okasyon, ehem!! Basta makaraos ang sama-samang kainan with family...and you all pray together...yun na!!




















BATING PANIMULA..

Well, well...anong ginagawa ko dito...Hello...speechless ata ako. Feeling ko ngayon parang nasa entablado ako at pinapanood ng maraming tao....hinihintay kung anong performance ang pakakawalan ko, hay, sa isang first timer na katulad ko hindi ko alam kung saan at pano ko sisimulan ang mga bagay-bagay..Umpisahan ko ba sa ngiti, pero hindi naman nila nakikita kung anung expression ng mukha ko habang ginagawa ko ito.. Ahh siguro ganito na lang..Bating panimula...Hi, musta na u? K lng me, anu gawa u? ganun na ata talaga ngayon, aba, sabi nga ng mga bagets..hightech na..hehehe, pwede na siguro yan..Oh wala ba kayong mga kamay?...(joke)

Sa totoo lang mga readers nung panahon namin 30 years ago, oo nga pala, batch 78 ako sa Manuel A. Roxas HighSchool, Manila, e walang means of communication tulad ngayon. Ang uso noon naalala ko pa at existing pa rin ay ang landline o Telepono. Well-off ang dating mo pag may telepono kayo sa bahay, nagkataon na hindi kami kasali don, hehehe. Ang pinagkaiba lang eh yung telepono noon pudpod ang daliri mo sa kadadial at may party line pang tinatawag, may kausap ka sa linya ang hindi mo alam nakikinig sa kabilang line, hmmmp, minsan sisingit pa sa usapan, bastosss talaga. Pero ngayon, wowowee, can afford na ang marami kahit pa sabihin mong hirap sa buhay e kaya na magpakabit ng DSL, with special participation ng computer. At pwede ka pa makipagchat, hay naku ang daming features, alam naman ng lahat yun..Ultimo celfone galit na sa dami ng subscriber, may magagawa ba siya? mahirap na magsalita..

Well naikwento ko lang naman..kasi lowbat na ang conscious at subconscious mind ko..charging pa, hehehe.!!

That's all for now..